Allow me to re-introduce myself
Ako si Pinky. Early beneficiary ng “Gobyernong Tapat, Magkakajowa Lahat” program. Ninang ng bayan. ARMY. Writer. Full-time volunteer para sa Team Leni Robredo.
Binigay ko ang buhay ko sa kampanya ni Leni Robredo without hesitation noong October dahil taos-puso akong naniniwala na sa pamumuno nila Leni Robredo at Kiko Pangilinan, at sa tulong ng Tropang Angat, aangat ang buhay ng bawat Pilipino. Ang pangako nila: honesty at transparency sa lahat ng levels ng gobyerno. Magkakaroon tayo ng gobyernong nagsisilbi para sa interes ng mga nasa laylayan. Gobyernong magsisikap na abutin ang mga malalayong lugar na mahirap puntahan, para maipahayag sa kanila na hindi sila pinabayaan. Gobyernong kasama ang lahat, na nakikinig at nagta-tiyaga na maanticipate ang mga pangangailangan ng bawat sector. Gobyernong may pakialam, at alam ang ginagawa nila, periodt.
Hindi pa nga nakaupo sina Leni at Kiko sa pwesto, nakita na natin anong klaseng lipunan ang naiinspire nila: mapagmahal, mapagbigay, nagtutulungan. Nagaalay ang mga kapwa ko volunteers ng kanilang oras, skills at talento. Lahat nag-aambag sa kanya-kanyang paraan. Ang dami ko ring kilala na hindi naman gaanong politically active na nagrarally, nagha-house to house. This is a people’s campaign and I’m lucky to be a part of it. It is the most meaningful work of my life. It has been an honor to serve.
Ilang araw nalang. Punong puno tayo lahat ng kaba. Hindi ko pa kayang harapin ang worst case scenario. Tsaka na yun, kung sakali. May miting de avance pa tayo sa Sabado. May ilang araw pa para sa trabahong kailangan natin habulin: tao sa tao, puso sa puso. Focus muna tayo. Tara, ipanalo na natin ‘to. 💖